taglamig
(former reedited title: taglamig,
at siya lang kaya ang dahilan?)
nung una pa lang,
ako'y namangha na
sa iyong ginagawa
ako rin ay lubusang
natutuwa sa matimyas
na hitsura ng iyong mukha
tila isa kang dalagang
pumukaw sa aking damdamin
iyong wangis parati
ang nasasalamin
bagkus, malayo ang ating agwat
bakit tila ako'y hindi papa-awat?
dahil kaya'y nasa lugar ka
na isa sa pinakagusto kong
puntahan at tirahan?
o baka naman itong
mismong lugar ko na tinitirahan
ay wala namang laman?
h'wag sana magpapahalata
ang langit sa aking kisame,
ang masulyapan ka'y
para itong asul sa taas,
kaniyang pisngi
ngayong Taglamig na
sa ating mga bayan o kanayunan,
kakaiba talaga ang aking
nararamdaman
sapagkat nasaan ka man,
sa trabaho mo o sa kaniyang
piling man,
marahil wala ng magagawa
ang tulad ko kundi
ang ipagdasal ang iyong
tanging kaligayahan.
Aking Kaagapay
Tila siya ang babaeng parang
hangin para sa aking hininga
Dagliang ito ay mahirap makita
Magiging kasundo sa
lahat ng bagay,
para bang damit
na bumabagay
Puwede bang
isipin na si babae ay
parang isang paboritong
kanta?
Puwede rin ba na si babae ay
maging parang
mga titik sa
librong binabasa?
Kung puwede lang sana..
na ganun nga
at makakasundo
sa maraming bagay—
Matatawag si babae na
aking kaagapay—
Alas, these simple moments
as they simple as they seem,
are never simple to the thinker,
ever changing as I dream.
Alas, beautiful nostalgia,
As cold and quiet as a noose.
Leaving most difficult decisions,
yet reminding me to choose.
Alas, loving heartbreak,
stabbing like a shiv,
keep me going nowhere,
yet reminding me to live.
Alas, stupid courage,
as strong as I may seem,
reminding me to fight,
yet advising me to leave.
Alas, simple trust,
refusing me to fail.
always surrounded with these lies,
yet refusing truth to tell.
Alas, self-awareness,
as cold as you may be.
I have something to thank you for,
that thanks shall ever be.
Alas, my mind shall sing,
as truthful as the birds,
when I have a song to sing,
I will sing these simple words