dami ng tao—
(in Tagalog language)
dami ng tao
konstruktibong pananaw
di natahimik
impluwensiya ay—
(in Tagalog/Filipino language)
impluwensiya ay
tangan ni Sapir at Whorf—
'yon ay tiyorya
batong misteryo
batong misteryo
balong malalim
—sino ba ako?
shoji
(in Tagalog language with Japanese words)
may ikebana
handa na ang tatami
wala pa rin siya
tubig-ulan
dinig mo rin ba,
taglay nitong pagpatak?
—nagtatampisaw
panglaw (in Tagalog language)
hanap-hanap siya—
hangga't nasilayan na
anumang dilim
na nakapalibot ay
nagmistulang liwanag
balewalang pinag-aralan
dito lumaki
mula pa pagkabata
hanggang pagtanda
tinuruan ng tao
ng lipunan at ng diyos
diskarteng marino (in Tagalog language)
nagawi rito
panloloko ang alam
diskarteng kanto
paraang itinuro
siyang isinasabuhay
malabong mata (in Tagalog & English/Taglish or Filipino language)
malabong mata
tumititig sa ginto
itodo mo pa
ang brightness ng iyong screen
na para lang salamin