taglamig
(former reedited title: taglamig,
at siya lang kaya ang dahilan?)
nung una pa lang,
ako'y namangha na
sa iyong ginagawa
ako rin ay lubusang
natutuwa sa matimyas
na hitsura ng iyong mukha
tila isa kang dalagang
pumukaw sa aking damdamin
iyong wangis parati
ang nasasalamin
bagkus, malayo ang ating agwat
bakit tila ako'y hindi papa-awat?
dahil kaya'y nasa lugar ka
na isa sa pinakagusto kong
puntahan at tirahan?
o baka naman itong
mismong lugar ko na tinitirahan
ay wala namang laman?
h'wag sana magpapahalata
ang langit sa aking kisame,
ang masulyapan ka'y
para itong asul sa taas,
kaniyang pisngi
ngayong Taglamig na
sa ating mga bayan o kanayunan,
kakaiba talaga ang aking
nararamdaman
sapagkat nasaan ka man,
sa trabaho mo o sa kaniyang
piling man,
marahil wala ng magagawa
ang tulad ko kundi
ang ipagdasal ang iyong
tanging kaligayahan.
Aking Kaagapay
Tila siya ang babaeng parang
hangin para sa aking hininga
Dagliang ito ay mahirap makita
Magiging kasundo sa
lahat ng bagay,
para bang damit
na bumabagay
Puwede bang
isipin na si babae ay
parang isang paboritong
kanta?
Puwede rin ba na si babae ay
maging parang
mga titik sa
librong binabasa?
Kung puwede lang sana..
na ganun nga
at makakasundo
sa maraming bagay—
Matatawag si babae na
aking kaagapay—
The lightening cracks
Falling from the sky. I can smell it burning
An elecric bird singing
It rained into my eyes
Warming my words
A warm blanker makes my bed freeze on the cold summer day
The ocean melts in my grip
The cold drips down my hands
The cool breeze leaving marks on the sides of my hands
I race from the smell
Going nowhere specific to me.