belum selesai (title is in Malaysian language/body is in Filipino/Tagalog language)
handa siyang itigil ang
ating mundo
dahil sa pagmamahal
lagi na lang,
na para bang
pagpunta lang sa café
o teatro..o sinehan
handa ka bang
pagmasdan ang
ginintuang abot-tanaw
sa golden hour?
malamang hindi rin
tayo nakasisiguro
sa malayang kaisipan
na lagi na lang
para bang itinuturing halamang
pinagmamasdan
may gustong malaman
may gustong matikman
may gustong hikayatin
ngunit ating puso
ay nakabinbin