pagkilala sa malayang makata
kapwa sa kapwa
laban kung laban
ganyan itong himagsikan
—lipunan
hawak kong matalim
balak ay parating maitim
sarili ang tutugisin
—alipin
ordinaryong mundo
pagpili ng wasto
hindi matanto
—abo
bukas na isipan
malayang tahanan
sakim na tanggapan
—eskwelahan
pagkaing may kulay
kutsarang taglay
hapag-kainan
ay tamlay
—lamay
ngunit heto na ang
marmol
sa haligi at dingding
igiginugol
masuleo ang
tagapagtanggol
—ataol
tugon ng kalawakan
puso't pakiramdam
kaluluwang
hindi nagpaalam
—inaasam
langit at lupa
sa taong nagdududa
ang daming kinikita
—malaya ka sana
Celestial Bodies and
God's Clock
Parang mga kamay
kong nananakit
ngunit tinitiis
parang arthritis
Parang mga kape
sa sikmura ng bawat
taong nananabik
sa inuming acidic
Gusto ko lang naman
maunawaan
ang kalawakan
at ang araw at buwan
Upang sa gayun ay
malaman
ang katiyakan
kung nasaan ka man
Si Buwan
Gusto ko siyang bisitahin
kahit sa panaginip
lang
Ngunit ihip
ng hangin ayaw
mapigilan
Parang ang aking
buwan ay
lumulutang
at nang-iiwan lang
Marahil
hindi sa isa't-isa
itong namatyagan
foisted love
I've not yet
seen her honeyed lips;
it might be far in excess
of what my earthly desires should be
to know how to
truly be in love
what else is there
to whet one's
appetite in a
hallowed life here on
earth?
I guess what I shall
wish for had to be
something
more
to be led on by something
celestial yet how
I wished it could
be enough, but more
it should
explain to
mere mortals what
we could not
grasp in our own
inevitable birth
if life is a process
some would say
let live and let die,
but I'm stuck in the
interstice
of a metaphysical
universe