pagkilala sa malayang makata
kapwa sa kapwa
laban kung laban
ganyan itong himagsikan
—lipunan
hawak kong matalim
balak ay parating maitim
sarili ang tutugisin
—alipin
ordinaryong mundo
pagpili ng wasto
hindi matanto
—abo
bukas na isipan
malayang tahanan
sakim na tanggapan
—eskwelahan
pagkaing may kulay
kutsarang taglay
hapag-kainan
ay tamlay
—lamay
ngunit heto na ang
marmol
sa haligi at dingding
igiginugol
masuleo ang
tagapagtanggol
—ataol
tugon ng kalawakan
puso't pakiramdam
kaluluwang
hindi nagpaalam
—inaasam
langit at lupa
sa taong nagdududa
ang daming kinikita
—malaya ka sana