Kapag May Klase (Whenever There's Class)

[Sorry, no English translation available :( ]



Estudyante sina Beth at Gail.  Kapag may klase,

nag-aalmusal sila sa bahay, ng alas sais.

Pumapasok sila sa eskuwela ng alas siyete.

Kumakain sila sa kapeterya ng alas dose ng tanghali.

Pumapasok ulit sila sa klase ng ala una.

Pagkatapos, nagpupunta sila sa parke.

Nagdya-"jogging" sila tuwing hapon.

Umuuwi sila ng alas sais.  Oo, talaga!

Naghahapunan sila ng alas sais ng medya.

Nag-aaral sila sa gabi.  Natutulog sila ng alas onse.



Mga estudyante sina Paul at Mary.

Pero hindi sila nag-aaral ngayon.

Sabado ngayon.  Nasa parke sila.  Naglalaro sila

ng tenis.  Nasa parke rin si Susan pero hindi siya

naglalaro ng tenis.  Nanunood siya kina Paul at Mary.

Hindi siya naglalaro ng tenis kasi wala siyang

raketa.  Gusto niyang maglaro ng tenis.

Author's Notes/Comments: 

Language:  Filipino Tagalog

View bluewave's Full Portfolio
Bryan Adam Tomimbang's picture

Siyempre pare! - Kevin