War on drugs

Kakilala Kong Sangkot (In Filipino/Tagalog Language)

 

 

 

 

 

 

 

Kakilala Kong Sangkot (In Filipino/Tagalog Language)

 

 

Gusto rin nila

Ang pagdami ng droga

Magtatanong pa?








Kaibigan Kong Sangkot (In Filipino/Tagalog Language)

 

 

 

 

 

 

Kaibigan Kong Sangkot (In Filipino/Tagalog Language)


Gusto rin nila

Ang pagdami ng droga

Magtatanong pa?








Heto Na

Folder: 
Poetry in Pilipino

Heto Na
Pinunong dakila
Nakita daw ng isang propeta
And pagdating at pamumuno niya
Palakpakan ang mga fans sa tuwa

Heto na
Susugpo sa problemang
Dulot daw ng droga
Sa lipunang kinulayan nya ng pula
Tama lang daw yan dahil
Salot lang daw sila
Malamang pag nawala ang droga
Drug lord at durugista
Maglalaho na rin ang kahirapan
Magic parang bula.

Heto na
Parating na digmaan
Pulis laban sa mga dukhang
wala ng matatakbuhan
Kriminal daw rin lang naman
Kanser sa lipunan

Heto na
Lumalaban na sila
Barilan sa kalsada
Dahas laban sa dahas
Mga fans ngumanga
Tirik ang mata
Di na humihinga
Tinamaan ng balang
Hindi para sa kanila

View bazoora's Full Portfolio