Kausap Ang Mga Uwak
Kay layo ng himpapawid
at guhit-tanaw,
upang masilayan
ko ang kaniyang araw
Sa disyertong lipunan
at kawalan ng unan
ay tanging tag-ulan
itong tagpuan
Maliligaya ba ang iyong
araw, sa sumasapit
ng dilim ng gabi?
Tama ang pag-isahin ang
relihiyong may magkakaibang
sinasamba at bigkas sa
ating mga labi?
Kay dilim nitong paglalayag
pati na sa ating pahayag
sa madilim na suot
nanatili ang kirot
Walang kalutasan,
ang buhay ng kasalanan