—parang nagkukubling liwanag ng sanlibutan (in Tagalog language)

 

 

 

 

 

 

 

—parang nagkukubling liwanag ng sanlibutan

 

 

 

 

isang gabing
tayo'y naging
magkausap

 

 

na para bang
taimtim ang
paghihimok

 

 

magkalayo
ang ating dulo
ng mundo

 

 

kaya't hinanap
ang mga sandaling
tila magiging tapat
tayo sa isa't-isa.

 

 

subalit ako'y
napaglalaruan lang
ng munting
kapanahunan

 

 

dito sa munting
silid na may malawak
mang bintana


ay sarado ito

 

—parang nagkukubling
liwanag ng sanlibutan

 

 

 

 

 

 

 

Author's Notes/Comments: 

Para kay C.