Para Kay Pretty Little Girl (in Filipino & Tagalog language)

 

 

 

 

 

 

 

Para Kay Pretty Little Girl

(para kay G.)

 

 

 

 

Unti-unti na ba talagang natutuyo—ang mga dahon ng rosas niya?

 

Kulang pa ba talaga ng pag-ibig na
inihahandog ng
sinag ng liwanag?

 

Sino ba yung nagsasamantala
—yun ba'ng sumalanta ng bukid?

 

Tila hibla lang ng
pananamit;
Sino nga ba talaga ang may tangkang ang mga sinulid ay umikid?

 

 

 

 

 

 

 

Author's Notes/Comments: 

Dedicated to G.

View tula's Full Portfolio