Hiwalayan sa Valentine's Day

         Hiwalayan sa Valentines Day

         Clark Steven Lupton

         February 7, 2006

          

         (spoken by a woman on a Valentine’s date)



         Salamat sa pagkain

         Salamat sa alak

         Okay lang itong Valentines Day

         Pero hindi ka kasama sa aking balak



         Ayoko tayong ikasal

         Ayoko tayong magka-anak

         Hindi ka matalino

         Bastos ka pa at ikaw ay pandak



         Ayako maglaro ng Street Fighter

         Ayoko umakyat ng Mt Apo  

         Hindi ako mahilig sa mga ganyan

         At hindi ka naman guwapo



         Hindi ka masayang kasama

         Hindi ka magaling  sumayaw

         Pag gusto kong kumanta tayo sa karaoke

         Lagi kang umaayaw.



         At para kang babae

         May maskara ka ba sa iyong mga mata?

         Tingin ka nang tingin sa salamin

         Sarili mo lang ang mahal mo yata



         Ayoko ng mga biro mo

         Hindi ako natatawa

         Kailangan ko nang hiwalayan ka

         Dahil mukha kang kawawa

      

         Umalis ka sa buhay ko!

         At huwag ka nang bumalik

         Magsipilyo ka naman

         Nakakatakot kang humalik!



         Doon ka nalang sa barkada mo

         Kumain nalang kayo ng barbekyu

         Uminom ka ng maraming  cervesa

         At isama mo ang iyong number two



         Huwag mong sabihin "Mahal kita"

         Huwag kang  mangako

         Madali akong kumuha ng iba

         Dahil maganda ako



         Tapos na tayo ngayon

         Kunin mo na mga regalo mo

         Gusto ko ng mabuting lalaki

         Kaya sa susunod na Valentines, si Steve Lupton    

         ang  kasama ko!




Author's Notes/Comments: 

I did this to practice my Filipino. I read it in front of a good crowd on Valentines Day 2007 (Open Spoken at The I Love You Store) and they laughed from begining to end so I'm pleased with this. The grammar was corrected by a couple of teachers at Jabez, where I teach ESL. I hope this won't be a famous poem because maybe one future Valentine's Day I'll have a date who will quote this to me :o)

View peculiar_poet's Full Portfolio
vilmazab's picture

OKayyyyy, funnnnny and lol too,love tagalog poems, you should check out my BB Gandang Hari,maybe it will put a smile in your face.