Ilusyon

 

Isang hating gabi 

Bumuhos ang  ulan

Maugong ang tunog ng hangin

Humahampas sa dalampasigan

 

Kay lamig ng dampi

Ng hanging dumaraan 

Gumuguhit 
 
Nanginginig ang aking katawan

 

Ako ay nakatanaw sa di kalayuan

May isang tinig 

Tinatawag 

Aking pangalan

 

Kay bilis ng tibok

Sa dibdib ko ay naramdaman

Sa tinig na narinig

Alam kong ikaw ay nariyan

 

Ala-alang kay sarap 

Mga tinig kung pakinggan

Sa aking puso nuon pa man

Totoo ang naramdaman

 

Pagmamahal na inasam

Sa akin ay ibinigay

Kasiyahan ng puso

Na parehong pinagkatiwalaan

 

Kay tagal nag-intay

Kay tagal umasam

Sa tinig mong iniwan

Pangako ang kinapitan

 

Ngunit isang araw

Na di ko inaasahan

Ang puso ko pala ay iyong susugatan

 

Sakit na naramdaman

Kirot at hapdi

Hindi mapigilan

 

Ang aking luha mula ng yan

Di tumutulo ng tuluyan

 

Nais ko na iyong malaman

 

Hindi kita malilimutan kailan man

Mananatili aking puso
 

Maging ikaw ay ilusyon lamang.

 


View msblue's Full Portfolio
tags:
MsBlue's picture

May binago

May mga binago ako sa tulang ito

March 9, 2011 

Wednesday 11:10 p.m.

Bryan Adam Tomimbang's picture

Wow, "Cute" ang tulang!!! I loved it!