Kalsada

Tama lang na ang gobyerno ay di nirerespeto ng mga mamamayan.

Sapagkat ipinagkait sa kanila ang buo nilang kalayaan.

Mga ganyang tao sa itaas ay dapat binabastos.

Mga madadaldal at walang alam na opisyal ay dapat maubos.



Pangako .. pangako, bibitiw ulit ng pangako.

Lahat naman palpak at napapako.

Sino namang tao ang matutuwa?

Kung ang namumuno sa gobyerno ay walang isang salita.



Mga pulitikong nagsisimba tuwing linggo.

Kung makapag-isip naman sa kapwa ay parang gago.

At pang-gigipit sa benepisyo ng taong-bayan.

Isa yan sa dahilan ng mga protesta sa kalsada ng Kamaynilaan.



Sawa na ang mga mamamayan sa ganito.

Kamatayan ang naiisip upang problema ay mahinto.

Sana isang araw ay maumpog na sila.

Huli na pala ang lahat at ang taong bayan ay ubos na.

Author's Notes/Comments: 

im sorry ma, wrote this when i had all the problems including family problem. this was the poem i posted on my room's wall as a sign of protest.. i wish i didnt wrote this.

View chosenjuan's Full Portfolio