Sa Pagputi ng Buhok

papangitiin kita pag ikay malungkot
magiging matapang kapag ikay natakot
papaunahin ka ma2log kahit dapuan pa ng antok
sana kasama parin kita sa pagputi ng ating buhok

sa mga kaibigan ikay ipapakilala
ipaparamdam na parte ka ng pamilya
handa kong harapin ano man ang dumating na dagok
basta kasama parin kita sa pagputi ng ating buhok

magsisilbing saklay pag napilay
sa dilim magsisilbing gabay
hindi kita papadapuan ng lamok
sana kasama parin kita sa pagputi ng ating buhok

sa buhay ko ngayon ikaw nlng ang gusto makamit
at kahit na kailan hinding hindi ipagpapalit
tatawirin kahit ilang dagat, kahit ilang bundok
kung kasama parin kita sa pagputi ng ating buhok

sa lahat ng bagay mauuna ang iyong opinyon
palaging sa iyo ang huling desisyon
diyan sa puso mo, diyan ko gusto pumasok
para makasama parin kita sa pagputi ng ating buhok

mula ngayon ikaw ang prayoridad
dahil sayo, sa bisyo hindi na nagbababad
pag may nanakit sayo baka ako'y mag amok
dahil ikaw gusto ko makasama sa pagputi ng ating buhok

ikaw ang iniisip sa bawat segundo
kung sa pagkain pwede kahit anung oras, parang menudo
ay, naalala ko paboroti mo nga pala manok
lagi tayo kakain nyan hanggang sa pagputi ng ating buhok

hanggang pagtanda gusto kitang alagaan
kahit kailan ikay hindi pag bubuhatan
di kita saksaktan kahit maligo pa ko ng suntok
wag mo lng sabunutan kasi gusto ko sabay taung pumuti ang buhok

mamasyal kahit saan basta ikaw ang kasama
ako ang kakarga sayo pag ikay nirayuma
iinom ng maraming gatas para buto'y hindi rumupok
kasi dapat masigla parin tayo pag puti ng ating buhok

isa lang ang lagi kong pinag dadasal
na balang araw tayo's makasal
ipapangako sa Diyos di ka iiwan ano man ang pagsubok
dahil ikaw ang makakasama ko sa pagputi ng ating buhok

View joarth21's Full Portfolio
Vixen's picture

Hello kababayan! Napakaganda

Hello kababayan! Napakaganda ng Tula na 'to. Sa totoo Lang, mas mahirap magtagalog kay sa magsusulat ng English, lol! Ako'y natatamaan ng ating bayaning si Jose Rizal na ang Hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda :) lol!
Ipagpatuloy ang pagsusulat ng mga tulang Tagalog! Mabuhay!


Shye

“ Let the beauty of what you love be what you do."
                                                   ~ Rumi

joarth21's picture

salamat po!

salamat po sa pagbasa at sa papuri po, hehe~

unfortunately madaming nababaduyan sa tagalog na tula, but not me, tingin ko mas maganda padin ang tagalog kasi mas galing sa puso... :)


~* Don't chase success, just love what you do! And let success follow you! *~

Vixen's picture

Depende sa klase ng tagalog

Depende sa klase ng tagalog na tula siguro. Maganda ang pagkasulat mo. Lol, nabubulol pati daliri ko sa kakatagalog... Namamatay na ang ating sariling mga tula. Natuwa ako nong nakita kong may Tagalog din dito :) Salamat sa magandang tula!


Shye

“ Let the beauty of what you love be what you do."
                                                   ~ Rumi

joarth21's picture

=)

thanks po ma'am, u inspired me to do more tagalog poems, dadagdagan ko pa po yan :)


~* Don't chase success, just love what you do! And let success follow you! *~

Vixen's picture

Welcome Jo :) magandang

Welcome Jo :) magandang magtagalog dito. Hindi nila maiintindihan, haha!


Shye

“ Let the beauty of what you love be what you do."
                                                   ~ Rumi