""Torpeng Tula""

Gusto kong sabihing mahal kita

Pero hindi ko alam kung paano ipakikita

Ito na lang ay aking ipadadama

Gamit itong aking torpeng tula.



Kahawig mo ang bituin

Pagkatapos ng takip-silim

Na siyang kumikinang

Sa langit na madilim.



Para sa'kin, ikaw ayang hangin

Na siya lang dapat mahalin

Pagkat ako'y hindi mabubuhay

Nang wala ka sa aking piling.



Hindi man ako tunay na makata,

Sana'y naibigan mo

Ang tula kong ito

Na s'yang tanda ng wagas na pag-ibig ko.

Author's Notes/Comments: 

...kailan ko kaya masasabi sa kanya na mahal ko sya...

View darklion's Full Portfolio
tags: