taho

Isang Pagbati sa Umaga

Nandiyan na siya, nandiyan na siya

Naririnig n'yo ba?

Papalakas, papalapit

Hindi malaman ang gagawin.

 

Kay tagal nang hinihintay

Maraming araw na inaasam

Humihiling na sana man lang

Ikaw ang makadaupang-palad.

 

Kumuha ng sisidlan

Kumuha ng barya

Dali-dali'y, ako'y bumaba

Kasama sila, naghihintay sa iyo

Isang umaga ang nabuo dahil sa taho.

 

 

Author's Notes/Comments: 

Taho or soybean curd is a regular breakfast among Filipinos. The magtataho travels on foot in the morning, from one road to another. Some magtataho position themselves in front of offices, but I have my favorite magtataho and he has been selling it since before I met him 8 years ago.

View ardythe's Full Portfolio
tags: