hinikayat sa mundo ko (in Tagalog language)








hinikayat sa mundo ko






maaari pa kayang
magkakilala
sila ng maayos
sa bawat inaasal




itinuturing
nila ang bawat
isa na tila ganap

na kriminal




sa tuwing magkikita
na lang ay may
paglilitis




kahit na ang mga
araw ay hindi na
makatiis




abut-tanaw ang
pagtingin sa kaniya
at hinaharap




pagtingala sa araw
bakit iba pa rin
ang hinahanap




kumusta kinabukasan


mga pintuang
ayaw mabuksan




nagagalit sa usapang
wala namang laman


naubos na ba ang hanging
umiihip sa kabukiran





(hindi kita pinagagalitan)






 

Author's Notes/Comments: 

12.17.2023:  For C. / Para kay C. / Dedicated to C.

 

[03:08]   Also, For G. / Para kay G. / Dedicated to G.