Parang Turumpo (in Tagalog language)

 

 

 

 

 

 

 

Parang Trumpo

 

 

 

Paikut-ikutin mo
ang sarili sa
gusot at gulo

 

 

Hinayaan ka nila
na ika'y mahilo.

 

 

Sana ay huwag
ka namang
malito.

 

 

Ganiyan nga ba
ang buhay sa
mundo?

 

 

Gigisingin ka
ng mga ipuipo.

 

 

Yun ay kung
paparating na
—ang mga

matitinding bagyo!

 

 

 

 

 

 

 

View tula's Full Portfolio