Sumisitsit ang hangin
na nagsusumiksik sa isip.
Binabraso,
binabayo,
binubugbog ang bunbunan.
Parang inalkoholan ang mata,
ilong ay nagbabara,
nag-aapoy na salita
sa bibig bumubuga!
Ang katawan na naka-mighty bond sa kama
ay naghihintay na lang sa paglabas
ng hiningang sisira
sa sahig
na humaharang sa impyerno
o sa kisame--
sa langit