Kahapon

Folder: 
My songs



Babalik sa kahapong kay ganda

Sa titig ng mga matang kay saya

Bago pa tuluyang tignan ang bukas

At kahapon ko’y lumakad sa wakas



Babalik lang sandali sa likod ng isip

Baka sakaling mukha mo’y muling masilip

Dahil bukas lalakad palabas sa pinto

At pagmumuni sa kapaho’y akin nang ihihinto



Dahil bagong pagibig ay kumakatok

Sa pusong nababato

Bagong pagkakataon na lumigaya na ako

Matapos na iwan mo



Babalik lang sandali’t magpapaalam

Pasasalamat sa iyong pinaramdam

Dahil bukas lalakad palabas sa pinto

At pagmumuni sa kapaho’y akin nang ihihinto



Babalik sa kahapong kay ganda

Pasasalamat sa iyong ‘pinadama




View kyoksil's Full Portfolio