Ikaw ang aking ama

Folder: 
Filipino poems

Lolo ikaw ay ang aking ama

Mula nang si itay ay lumisan

Ako’y tinaguyod, tinulungan

Kahit pa ikaw ay matanda na



Lahat sila saki’y nagalala

Ako’y tampulan pa ng usapan

Lolo ikaw ay ang aking ama

Mula nang si itay ay lumisan



Ako’y pinaglaban ng magisa

Kulang na pag-ibig ay pinunan

Kaya’t ikaw ay aalagaan

Dahil sa ‘sang lolo, higit ka pa

Lolo ikaw ay ang aking ama

View kyoksil's Full Portfolio
tags:
Em's picture

I like your poems.. It made me cry..