Baliktanaw

Folder: 
Filipino poems

Pag binabalikan ko ang aking nakaraan

Pakiramdam ko ako si superwoman

Habang marami ang

Nababaliw

Nagpapakamatay

Dahil sa pagibig na tila may sumpa

Ako ay namamayagpag ngayon sa tuwa



Pag binabalikan ko ang aking nakaraan

Pakiramdam ko isa akong himala

Na muling nabuhay mula sa

Pagiisa

Pagdurusa

Dahil sa mga trahedya ng buhay ko

Andito ako at may buhay pa



Pag binabalikan ko ang aking nakaraan

Hindi ko mapigilan ang matawa

Sa lahat ng aking ginawa

Umiyak

Nagmukmok

Nagkulong

Nagtago

Naghabol

Nagmakaawa

Lahat ay para sa wala

Akala ko lang ay sa wala nga

Dahil heto ako ngayon

Nadapa’t bumangon

Nalunod at umahon

Nalungkot at nagsaya

Ngayo’y puno ng pag-asa






View kyoksil's Full Portfolio
tags:
kyoksil's picture

charles :) salamat sa crit...
nga pala, lumang tula na ito, 2005 :)

Charles Matibay's picture

pag-asa? ano ang pag-asa? nawawala ang enigma ng mga bagong tula mo? dahil siguro nga naniniwala ka sa pag-asa!