Kay Hirap Unawain

Folder: 
Filipino Poems

Kay hirap unawain

Ang ibinubulyaw ng damdamin

Pati ang nakatakda na

Ay balak atang hamakin pa



Kay hirap unawain

Kung bakit may iba pang dumarating

At ang hirap pa nito

Ang pinto ng puso ko'y di ko pa naikandado



Pasensiya na aking sinta

Kung ako'y naguguluhan na

Mgunit disidido ako

Na ikaw lamang ang maghahari sa mundo ko



Kay hirap unawain

Kung bakit ang iba'y kay daling pasiyahin

Ngunit ang sariling hinaing

Ay di man lamang mapagaling...



Kay hirap unawain

Kung bakit ganito ang aking damdamin

Sadyang kay hina ng aking tinig

Ako'y iligtas mo't huwag hayaang matangay ng hangin...


View jackie_lyn's Full Portfolio
jackie_lyn's picture

title says it all!


Everything can be solved with the perfect mixture of puppies and kittens.