Umagang Kay Ganda (Beautiful Morning)

Folder: 
Filipino Poems

Ako'y nagising

Sa isang panibagong umaga

Kay ganda at puno ng ligaya

Isang umagang masigla

At nakabibighani

Isang umagang marangal

At mapayapang kanais-nais



Ako'y nagising

Sa isang panibagong umaga

Ako'y napangiti

At ako'y nagpasalamat kay Bathala



Ako'y nabigyan

Ng panibagong pag-asa

Mula ng aking masilayan

Ang umagang ito na kay ganda...

View jackie_lyn's Full Portfolio
jackie_lyn's picture

I actually took my time on this one


Everything can be solved with the perfect mixture of puppies and kittens.