Ang puso ko... (a poem for arhiz)

Folder: 
Tagalog Poems

mahal kita di dahil ginusto ko o kaya kailangan,

di ko rin plinano,di ko rin inasahan.

bihira mangyari to pero nagsalita na puso ko,

higit pa sa ginusto,plinano,inasahan at kinailangan ko.



di kita minahal sa tingin ng mata,sa utos ng puso o dahil sinabi ng bibig ko,

puso ko ang tumingin,nag-utos at nagsabi ng lahat ng ito.

mahirap kontrahin pero lam ko masaya ako sa nararamdaman ko,

kahit alam kong suntok sa buwan ASANESS lang ako sayo.



Aware ako sa consequences na dulot ng pagmamahal ko sayo,

lam ko rin mahihirapan at masasaktan lang ako.

pero inihanda ko na sarili kong tanggapin lahat ng yun dahil sayo,

dahil maniwala ka man o hindi mas IMPORTANTE ka kaysa sa nararamdaman ko.



unawain sana hindi pagtawanan,

appreciate it,wag basta balewalain at talikuran.

kung pwede sana pakinggan dahil minsan lang mag react ng ganito ang puso ko,

di naman ako tanga para pilitin ang puso kong mahalin ang taong wala namang balak na mahalin ako...

View i_am_grazie's Full Portfolio
tags:
Bong's picture

Grazie,

umaasa ka naman na aking papalitan
ang iyong sa akin ay ibibigay na larawan
pero nais kong ipagpauna po lamang
wag mong pipintasan ang aking kapangitan.

Bong's picture

Grazie,

Pwede bang makahingi ng iyong larawan
Para anumang oras ikaw ay lagi kong masilayan
Dahil simula ng makita ko ang iyong kagandahan
Nawalang bigla sa isip ko ang nagtaksil kong kasintahan!

Maraming salamat, Bb Grazie!

-Bong F

BONG's picture

Grazie, ganda ng hinaing ng puso mo
Dili at hindi ang humanga ako
Sa katapatan at pagiging prangka mo
Sana katulad mo ang makatagpo ko!!!

-Bong Fernando
bongailkaday@yahoo.com
born in Marikina, Rizal
raised in Diliman, Kyusi
living/working in New York City
now vacationing in Las Vegas, Nevada