di madaling tanggapin..

Folder: 
Tagalog Poems

KABADUYAN,lam kong yan agad ang papasok sa isip mo,

sa dami ba naman ng tula na ginawa ko para sayo.

KALOKOHAN,malamang yan ang gustong sabihin ng bibig mo,

pero ano bang alam mo?

nagmahal ka na ba ng ganito?



ASANESS! di ba yan ang kantsaw ngayon ng isip mo?

dahil nawiweirdohan o baka naaasar ka na sa mga pinag-gagawa ko.

NAGTATAWA ka,pano kasi alam mong deds me sayo,

e ano ngayon? sinabi ko bang mahalin mo rin ako?



uunahan na kita,KAGAGUHAN! oo alam ko,

pinahihirapan ko sarili ko la rin naman akong aasahan sayo.

iiling-iling ka dyan pano kasi KATANGAHAN diba?

pero pano naging katangahan kung nagmahal lang ako talaga.



BASURA! sino nga ba naman ako para pansinin ng tulad mo?

KABABAWAN ang lahat,malamang la wenta lahat ng ito sayo.

PANGARAP! oo sige hanggang pangarap lang ako,

pero TATA,para sabihin ko sayo di madaling tanggapin lahat ng ito,dahil lang sa pagmamahal ko sayo...





Ugh!....

View i_am_grazie's Full Portfolio
tags: