Ayaw ko na, Last na 'to

Folder: 
Mga Tula

Isang taon,
Isang taon kitang minahal.
Oo, isang taon akong tanga
Tanga sapagkat may mahal ka palang iba.
Bakit nga ba
Hindi ko yun nakita
Na sa bawat ngiti mo
Na sa bawat pagtawa mo
Na sa bawat pag-iyak mo,
Ang dahilan ay ibang tao.
Ang tanga tanga ko.
Sinabi ko sa sarili ko,
Ayaw ko na, last na 'to.
Dalwang taon,
Dalwang taon kitang minahal,
Na sinabi mong katuwaan lang ang lahat
Na sinabi mong nagkamali ka lang
Na sinabi mong hindi ka ganon
Na pinanghawakan ko hanggang ngayon
Na hanggang sa mga oras na 'to
Umaasa pa rin ako
Na ika'y magbabago.
Ang tanga tanga ko.
Muli kong sinabi sa sarili ko,
Ayaw ko na, last na 'to.
Tatlong taon,
Tatlong taon kitang minahal,
Tatlong taon na akong tanga
Tatlong taon na akong umaasa
Habang ikaw, masaya na sa iba
Masaya sa piling nya
Nasan na ang mga sinabi mo
Mga salitang pinanghawakan ko
Nasan na ang mga bagay
Na pinaniwala mo sakin
Mga bagay na kahit kaylan
Ay 'di mo pala kayang gawin.
Ang tanga tanga ko.
At sa huling pagkakataon,
Sinabi ko sa sarili ko,
Ayaw ko na, last na 'to.
Ngayong ikaw ay nagbalik
Nananatili pa rin ang aking pananabik
Sabik sa ngiti mo
Sabik sa tawa mo,
Sabik sa piling mo.
Ang tanga tanga ko.
Pero dati yon,
Dahil may nagmamahal na sakin ngayon
Siguro ay hindi ko sya mahal
Tulad ng pagmamahal ko sa'yo
Pero ito ang tatandaan mo,
Hindi ko sya ipagpapalit
Kahit sobrang hirap,
Kahit sobrang sakit,
Hinding hindi ko sya ipagpapalit
Katulad ng ginawa mo
Noong minsang naging tanga ako.
At hanggang ngayon,
Oo, inaamin ko
Na mahal na mahal pa rin kita,
Pero,
Ayaw ko na
Last na 'to.

View darklion's Full Portfolio