An Open Letter For a Guy Named Carl

Di ko alam anong nangyari.
Di ko alam kung kelan nangyari.
Di ko alam kung pano nangyari.
Di ko alam kung bakit nangyari.
 
Basta na lang naramdaman ko, mula nung una kitang nakausap kahit sa text lang yun
I kinda feel the connection, I also feel na iba ka sa kanila.
Tapos wala naman akong pake kung ano sinasabi ko sayo kasi sobrang komportable mo kausap.
Sobrang gaan ng loob ko sayo, sobrang smooth ng lahat.
Di ko naman inaasahan e di ko talaga sinasadya kasi kagaya nga ng sinabi ko "DI KO ALAM".
 
 
Inaasar pa ko dati ng pinsan mo sayo pero di ko pinapansin kasi alam kong alam nyo na may iba akong gusto
pero sa kabila nun nararamdaman ko na may iba sa tuwing inaasar nya ko.
Halos araw-araw nun magkachat tayo, random topic pero sobrang iba talaga pero napakasaya.
Kahit alam ko na mabait ka naman talaga sa lahat ng kaibigan mo,
na ganto ka din lalo na sa mga kaclose mo nagpapasalamat ako kasi ganun ka din sakin
 
 
Ikaw din kasi yung pinakamatinong lalaki na nakilala ko.
As in mabait, masipag, masunuring anak, walang bisyo, nag-aaral ng mabuti.
Basta iba ka talaga sa mga lalaking kilala ko.
Iba ka kaya nga siguro eto nararamdaman ko sayo e.
Bigla na lang naramdaman ko na may special spot ka na pala sa puso ko, unpredictable.
 
 
Hindi ko makakalimutan yung unang kita ko sayo nung nagkasalubong tayo nagulat ka pa nung tinawag kita
"Carl!!! Hi!" with matching kaway at pabebeng boses tapos tinext kita na nakita din kita
sabi mo pa ang cute ko mag-hi parang bata. Hahaha
tapos mas naging close pa tayo nun, kaso ngayon hindi na
Lahat naman ng bagay nagbabago e.
At naniniwala ako dun, kasi kahit sa sarili ko alam ko na someday
makakalimutan ko din yung nararamdaman ko sayo
kasi alam ko di naman pwede 'tayo' ewan ba parang tanga lang.
 
 
Pero gusto ko din humingi ng sorry kasi di ko pinigilan yung nararamdaman ko.
Ayoko naman masira friendship natin dahil lang dito
pero sooner or later alam ko malalaman mo rin ang tungkol dito
kaya ngayon pa lang gusto ko na magsorry sayo.
 
Sorry talaga kasi di mo alam umasa ako sayo, umasa ako na may ilelevel up tayo.
Sorry kasi lagi akong nangungulit sayo kahit sinasabi mong di naman ako naging 'istorbo' sayo.
Sorry kung naramdaman mong mabait lang ako kapag magtatanong o makikibalita tungkol sa tropa mong crush ko.
Sorry kung napaka daldal ko.
Seryosong umasa ako kaya eto nasasaktan nanaman ako.
Wala ka namang kasalanan ako lang talaga tong assuming.
 
 
Alam mo ba hanggang ngayon naasa pa din akong mababalik yung dating tayo nun,
yung sobrang close.
Pero sabi nung isa kong kaibigan 'mahirap na ibalik yan lalo na may girlfriend na sya,
syempre kahit magkaibigan lang kayo babae ka di maiiwasan magselos yung girlfriend nya'.
Hahaha nakakatawa lang kasi alam ko naman lahat ng yun pero bat ang tanga ko?
Bakit kahit alam na natin na wala ng pag-asa pilit pa din tayo ng pilit
na kahit sa huli wala tayong mapapala? Para mapatunayan na mahal natin sila?
Mapatunayang TANGA tayo?
Sabagay pag dating sa pag-ibig lahat tayo TANGA.
 
 
Siguro isa nanaman to sa mga "malalim na paghanga" kung tawagin ng mga kaibigan ko na nararanasan ko ngayon.
Sobrang paghanga lang siguro to wala ako sa lugar para masabing mahal na kita e.
Malayo pa siguro to dun sa pagmamahal na sinasabi nila
pero ganun pa man isa lang ang alam ko, na isa kang IDEAL BOYFRIEND.
Yeah I can barely say that, kahit na di pa kita nagiging boyfriend
alam na alam ko yun bruuuuh! Ramdam ko din yun.
 
How you care,
how you worry,
how you makes me happy,
how you make things easy.
Bakit ganun?
 
 
Hayyy siguro naman nagets mo na kung bakit di ko maamin sayo
kung sino yung lalaki na nagustuhan ko din nung mga time na
patay na patay ako sa tropa mo no? Na kahit anong pilit mo ayoko sabihin?
OO! KASI IKAW MISMO YUN.
IKAW NA NAGTATANONG PERO IKAW DIN ANG SAGOT.
IKAW YUN!!
 
You even asked "for real bruh?"
gustong-gusto ko sumigaw ng, "wtf manhid ka ba?
Lagi nga kitang minemessage ng kamusta kahit alam kong masaya ka naman. Wtf oo for real na gusto kita"
pero syempre di ko kaya gawin kaya nga dito ko na lang dinaan e.
Hay ewan ko ba.
 
 
Naiyak na nga lang ako nung nalaman ko na kayo na pala nung nililigawan mo e.
Bihira ka kasi magkaron ng nililigawan
kasi alam ko once na nanligaw ka sure na sure ka na, for real na, for long time na
dun ako nasaktan kasi yun din pala yung rason kung bat lagi kang busy
at dahil dun di na kita makakausap gaya ng dati.
 
Di naman din ako nag-aalala kung anong klase syang babae
kasi alam ko marunong ka mamili ng matino at disenteng babae
kaya nga di ako yun e.
HAHAHAHAHA natawa pa ko? Abnormal.
 
 
But don't worry men, never sumagi sa isip ko yung mga bagay na
'sana magbreak kayo'
'sana mag-away kayo' or something negative.
Never kong hiniling na may masirang relasyon kahit pa involve dun yung taong gusto ko.
 
What I prayed is sana magtagal kayo,
sana kayo talaga yung para sa isa't-isa,
sana lahat ng obstacles malampasan nyo
at sana ibigay din ng buo nung babae ang pagmamahal nya sayo.
 
You deserve more than what you have right now,
you deserve more than that.
 
But how I wish it was me that you're saying "I love you",
I wish it was me holding your hands,
I wish it was me taking sweet photos with you,
I wish I am that girl who hangs out with you,
I wish you are the one who will teach me how to play basketball,
I wish it was me playing NBA games with you, watch PBA live together, and many moreeeeee.
 
 
Pero... Wala e, hanggang dito na lang, sana maging masaya ka sakanya.
Sana di magbago pakikitungo mo sakin once malaman mo to (well I know di ka ganun)
sana maging maayos na ang lahat.
At kapag dumating ang araw na umiyak ka dahil sakanya wag mo sanang kalimutan na nandito ako lagi at naghihintay sayo, tropa di ba? :)


https://www.youtube.com/watch?v=8nKaE-mJA_k
View ateng.onesided's Full Portfolio
ateng.onesided's picture

One year old piece

One year old piece