Bakit ba ang hilig mong umibig sa hindi mo ka uri.
Ang dami naman diyan, na puede mong pagtia ga an.
Nag papa kabuang ka palagi basta lang sila ay puti.
Ikaw ay maghunos dili at isipin nang ilang beses.
Kung ano ang mayroon sila na wala naman sa iba.
Kasi kung visa lang naman at ang makapangyarihan
nilang pera, ay hindi ka naman mahuhuli, at completo
kana.
Ang kanila bang tayu at magaganda nilang mga mata?
Ang kanila bang "slang" at matitipuno nilang katawan?
O di kayay ang matatangos nilang ilong na kaygandang
pagmasdan.
Babaing Filipina, magtiwala ka, sa iyong kauri iyong
pagmasdan, ang kulay nila ay sing kulay mo rin,
pati kanilang ugali ay madali mo nang masakyan, kaya
ikaw ay mag isip, mag muni muni at magtiwala,
sa kanila ang ligaya ay tunay, ang pag ibig ay wagas.