Ang Kahapon Natin

Malinaw pa sa akin balintataw.

Kung paano tayo unang nagsimula.

Na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.

Ang magandang istorya nating dalawa.

Na tila't limot na.

Ako sana'y iyong pahintulutan at patawarin.

 

Sapagkat aking ikukuwento ang mala-pelikulang istorya nating dalawa.

Kung saan tayong dalawa ang bida sa pelikula.

Nagsimula tayo bilang magkaibigan.

At noon pa man ikaw na'y hinahangaan.

Alam kong aking nararamdaman ay hindi maaari.

Dahil tayo ay parehas nang pagmamayari na ng iba.

 

Lumipas ang panahon, tayo'y kapwa malaya na.

Ako ay hindi na nagaksaya pa ng pagkakataon.

Bagama't mayroong pagaagam, nilakasan ang loob at nagtapat ng pag-ibig sayo.

Hindi akalain sa dinami-dami ng taong nagkakagusto sayo at sila ay mas nakakahigit sa akin.

Ako ang iyong piniling mahalin at ikaw ay magiging akin.

Sobrang saya ko noong araw na iyon, pakiramdam ko napakaswerte ko at talo ko pa ang nanalo sa lotto.

 

Sa loob ng mahigit tatlong taon ng ating pagsasama.

Na pinuno natin ng magaganda't masasayang ala-ala.

Ang pag-iibigan na sinubok na ng pagkakataon at panahon.

Ang relasyon binuo ng ating mga pangarap na sa paniniwala na tayo hanggang sa huli.

Na kahit ano pa ang mangyari hindi tayo susuko at maghihiwalay.

May sumpaan ng pagmamahalan na walang hanggan.

 

Ngunit sa isang iglap nagbago ang lahat.

Ang mga pangakong binitawan sa isa't-isa ay tila napako na.

Ang drama natin "You and Me against the world".

Napalitan na ng "I'm not the only one".

Kung ito ay isang bangungot o kaya masamang biro lang.

Gusto ko ng magising at please lang 'wag mo na kong biruin.

 

Hiniling mo sa akin kung pwede ba kitang bigyan ng oras para makapagisip.

Dahil kailangan mong hanapin ang iyong sarili at ayusin ang maraming problema.

Gusto kitang tulungan at damayan sa iyong paghihirap.

Pero aking nalaman, hindi pala ako ang iyong kailangan.

Lahat na ng pagunawa at pagintindi ay binigay ko na sayo.

Ngunit hindi akalain ako lang pala ay iyong lolokohin.

 

Labis akong nagalit at ako'y sobra mong nasaktan.

Hindi na nagdalawang isip, agad tinapos ang ating relasyon.

Ako ay iyong kinausap, sabi mo sa akin hindi kayo "dating" lang at kailangan mo itong gawin para sa ating dalawa.

Wow! "Dating" big word, may freebies na holding hands at hug na kasama.

Hindi alam kung anong dapat isipin at maramdaman sa iyong mga sinabi.

Hindi na alam kung ikaw ay kayang patawarin at paniwalaan pang muli.

 

Ang pag-ibig pala natin ay parang magic.

Sa simula akala mo tunay pero sa huli ilusyon at kalokohan lang pala ang lahat.

Pinilit kong isipin kung saan ba ko nagkamali at nagkulang.

Paano mo ako nagawang lokohin at saktan?

Bakit ganito ang nangyari sa ating pagmamahalan?

Ang daming tanong sa aking isipan pero walang mahanap na kasagutan.

 

Ikaw ay aking pinatawad.

Subalit hindi na kayang magtiwala at tanggapin muli.

Ako ay humihingi ng paumanhin.

Dahil kahit anong gawin hindi na kaya ulit mahalin.

Bagkus sinabi sa sarili, isang beses mo lang akong pwedeng saktan.

Ikaw ay pinalaya na at sana ako rin ay palayain na.

Author's Notes/Comments: 

Tagalog Poetry

View simpleromantic's Full Portfolio
tags: