Saan Ka Man Naroroon

Folder: 
Most Wanted Songs

Di ba’t kailan lang kay dalas n’yong magkasama

Araw-gabi lagi’t laging magkasabay

Paano’ng nangyari’t siya ngayo’y nag-iisa na

At ang isipa’y naglalakbay



Saan ka man naroroon sinta

Pag-ibig kong wagas ang iyong madarama

Kailan pa man sa iyo’y di lilimot

Pusong uhaw sa iyong pag-irog



Saan ka man naroroon sinta

Pangarap ko’y ikaw pagka’t mahal kita

Asahan mong sa habangpanahon

Alaala kita saan ka man naroroon



Saan ka man naroroon sinta

Pangarap ko’y ikaw pagka’t mahal kita

Asahan mong sa habangpanahon

Alaala kita saan ka man naroroon



Asahan mong sa habangpanahon

Alaala kita saan ka man naroroon


View msblue's Full Portfolio