Sabaw

Folder: 
Filipino poems

Kagabi pa isinalang ang isip
upang makapaghain ng kwento.

 

Pilit
  pinalambot ang nagmamatigas
  na dramatikong tagpo.

 

  pinakulay ang mga
  tauhan,
  problema,
  pangyayari.

 

  pinantay ang timpla
  ng mga salitang
  maasim,
  matamis,
  maalat,
  mapait,
  pati maanghang.

 

Humusto na ang init ng araw
matapos sumikat.

 

Di pa rin kumukulo
Di pa rin maihain.

 

 

View kyoksil's Full Portfolio