Hindi sumapat ang mga bala
ng pagkamalikhain
sa nag-uunahang pagputok
ng mga bumabaril na gawain.
Tila nuclear na sumabog ang pagod
ang kalungkutan.
Itinaboy ang sining
na noo'y natitirang nananahan.
Matapos ang digmaan sa isip
na nagpabagsak
sa dating namumunong lakas;
nanatiling
magulo ang mga ideya,
malabo mga tema;
mga salita ay nagkakanya-kanya.
Sa bawat araw na sumisikad
hindi makabuo ng tula
hindi maitaguyod ang komunidad
ng nagkakaisang salita.