Umaapoy sa init ang kalamnang hapo
habang pinapaso ng lamig ng gabi.
Naninigas sa kirot ang katawang ratay
habang binubugbog ng lambot ng kama.
Bumabaha ng
luha,
sipon,
laway,
pawis,
ihi.
Sa isang buntong hininga,
lahat guminhawa.