Kagabi

Folder: 
Filipino poems

Marahang dumungaw

ang iyong

tipid na ngiti

at malamlam na mga mata

sa likod ng nagbubukas

na bintana ng Vios



habang



nag-uungusan ang aking mga sakong

patungo sa pintuang hayok na nilang tawirin;



kumikirot ang aking likod

dahil sa paghampas sa matigas

at nakapinid na kahoy;



gumagapang ang aking kamay

sa pihitan na minamadaling buksan.



Pagpasok,



humalik ang noo

sa nagngitngit na pintuan

habang pilit tinatanggihan ng isip

ang mapag-anyayang ungol ng sasakyan.


View kyoksil's Full Portfolio