Dahil Mahal Ka

Folder: 
Filipino poems

Kagabi,

pagbaba mo mula sa Volvo

ay pinagmasdan kita

habang pumapasok

sa mansyon

sa Alta Vista.



Ang sumasayaw mong buhok

na alaga ng rebond sa Ricky Reyes Salon.



Ang maliwanag mong mukha

na kinukulayan ng Revlon.



Ang pang modelo mong katawan

na madalas magbabad

sa Gold's Gym at The Spa.

Pinaliliguan ng Body Shop

at laging yakap ng

Linea Italia,

Calvin Klein.

Bulgari

at Cartier.



Ang laboy mong mga paa

na kapag nagpaparty

ay naka-Louie Vitton

at kapag namamasyal

ay naka-Nike.



Kagabi:

Isinakay ko ang bagahe ng pagkukunwari

sa magpapaalam na chedeng.

Ibinulsa ko namamagang bills

ng VISA at MASTERCARD

at ang nangangayayat kong pitaka.

View kyoksil's Full Portfolio