Yosi

Folder: 
Filipino poems

 

Kay sarap langhapin

ng halimuyak mong

kumikiliti

sa ilong

sa lalamunan

sa dibdib

 

sa buong katawang nais mausukan mo.

 

Ingat na ingat ang mga daliri

sa maselan mong balat

habang sinisinsin ka para tumuwid.

(madali raw kasing hithitin ‘pag tuwid)

 

Marahang ilalapat sa labi

ang matigas na dulo’t

hihithitin

habang kabilang dulo’y sisindihan

at pauusukin

sa pamamagitan ng

pag-puff

ng pag-puff

ng pag-puff

ng pag-puff

ng pag-puff

ng pag-puff

ng pag-----------------puff.

 

hanggang lumabas

lahat ng usok

at umikli

ang stick.

 

Tapos

‘pag mahina na ang baga

at filter na lang ang tira

 

kuha ulit ng bago.

 

View kyoksil's Full Portfolio