Ngayon

Folder: 
Filipino poems

Sa bangketa,

nagkalat ang magkaulayaw na bulaklak at tsokolate.

Sa bukstor,

said ang magkasiping na greeting card at sobre.

Sa restawran,

nagliliyab ang magkapares na kandila.



Sa araw ng mga puso,

Out of stock ang mga condom.

Fully booked ang mga motel.



Sa araw ng mga puso,

babaha ang mag-asawang alak at steak.



Samantala,

may mabubutas na kama

sa bigat

ng natulog ng maaga



nag-iisa.

View kyoksil's Full Portfolio