Ito ang pag-ibig ko sayo

Folder: 
Filipino poems

Alon ng dagat

Mga bituin sa langit

Hanging amihan

Walang mapagkumpara

Ang pag-ibig ko sayo



Handang maghintay

Hanggang huling hininga

Sa pangako mo

Na ika’y babalik pa

Tayo’y magiging isa



Kahit matuyo

Mga dahon sa puno

Kahit manamlay

Mga bituin sa langit

Ikaw ay hihintayin



Tanging ikaw lang

Ang ngiti ng labi ko

Tibok ng puso

Alaala ng isip

Kahapon, bukas, ngayon



Dahil wala na…

Wala na ngang iba pa

Na iibigin

Nang sindalisay nito

…ng pag-ibig ko sa’yo

View kyoksil's Full Portfolio
tags: