Kwento ng buhay

Folder: 
Filipino poems

Ilang taong sinusulat

Aking hardin at ang gubat

Lungkot at ligayang taglay

Lubog at ahon ng buhay



Nabuo maraming kwento

Sa buhay na tumatakbo

Sa papel ay inihanay

Lubog at ahon ng buhay



Ngunit kwento’y ‘di matapos

Tinta at papel ay kapos

Sa salita’y walang humpay

Lubog at ahon ng buhay



Ilang taong sinusulat

Lubog at ahon ng buhay

View kyoksil's Full Portfolio