Ikaw pa ri’y aking iibigin

Folder: 
Filipino poems

Hindi kailanman na lilisanin

Sa kabila ng sakit na dinulot

Ikaw pa ri’y aking iibigin



Mga panahon na naging atin

Ay hindi hahayaang malimot

Hindi kailanman na lilisanin



Lubos mang nasaktan ang damdamin

Mapapatawad kahit may kirot

Ikaw pa ri’y aking iibigin



Kamartiran nga kung tatawagin

Ngunit pag-ibig ay bumabalot

Hindi kailanman na lilisanin



Mananatiling nandito pa rin

Mawala man pag-ibig mong saplot

Ikaw pa ri’y aking iibigin



Dahil ikaw ang lahat sa akin

Kahulugan sa buhay ko’y dulot

Hindi kailanman na lilisanin

Ikaw pa ri’y aking iibigin

View kyoksil's Full Portfolio
tags: