Naglaho muli

Folder: 
Filipino poems

Muli naglaho.

Hangin ang umihip

nagsiping ang araw at gabi,

balat na hayok,

pag-ibig ang nais,

nagkawalaan ngunit

hinanap pilit

- nagkukubli -

pilit hinanap

ngunit nagkawalaan

nais na pag-ibig,

hayok na balat,

gabi at araw ang nagsiping ,

umihip ang hangin,

naglaho muli.

View kyoksil's Full Portfolio
tags: