Ewan

Folder: 
Filipino poems

Ewan kung bakit ako nagdaramdam

Wala naman karapatan sa iyo

Tanging nagmamahal yun lang ang alam



Ang araw sa isang linggo ay pito

Ngunit parang kay haba ng panahon

Ewan kung bakit ako pa ri’y lito



Hindi ko maiwasan ang lumingon

Dahil puso pa rin ay nagdurusa

Ewan kung bakit ganun ang kahapon



Hindi naiwasan ang ibigin ka

Kahit pa ika’y ‘di magiging akin

Ewan kung bakit ako umaasa



Kahit pa pinili akong lisanin

Ewan kung ba’t iniibig ka pa rin




View kyoksil's Full Portfolio
tags: