Sa pagbabalik

Folder: 
Filipino poems

Sa pagbalik ko tiyak malaki ka na

Kay hirap ang mawalay sa iyo

Bawat oras ikaw ay aking alaala



Hindi ninais sa ibang bansa tumira

Ngunit kailangang magtrabaho

Sa pagbalik ko tiyak malaki ka na



Sa Maynila ay walang bukas na makita

Dito’y nakaiipon ng hono

Bawat oras ikaw ay aking alaala



Anak, ito ay para sa ating ginhawa

Malapit nang bumalik sa iyo

Sa pagbalik ko tiyak malaki ka na



Nawa’y sa pagdating ako ay makilala

Anak, kay sakit ang malimot mo

Bawat oras ikaw ay aking alaala



Buwan na lang at tayo ay magkikita na

Nalalapit na ang paguwi ko

Sa pagbalik ko tiyak malaki ka na

Bawat oras ikaw ay aking alaala

View kyoksil's Full Portfolio