Ang ikalawang ina

Folder: 
Filipino poems

Hindi ko maalala

Sadyang kay tagal na

Sa isip ang sariwa ay tila

Mukha mong kay sigla

Mura

Masaya

Mayuming mukha mo sa alaala

Pagpasok sa eskuwela



Naghahanda ng baon

Nagluluto sa hapon

Pagmamahal na ipon

Sa’kin lang tinuon

panahon

kahapon

Sa akin na tila iyong ampon

Buhay mo’y binaon



Ngayon sa pagtanda ko

Sa’yo pa rin ang takbo

Maging mga anak ko

Nagaasikaso

Nagpapayo

Sila rin ay mahal mo

Sa pasasalamat ko





Hindi ko maalala

Sadyang kay tagal na

Ngayon ika’y iba na

Nawala na ang sigla

Lola

Tila

Kailangan naman ay ako na

Mag-aalaga sa aking ikalawang ina

View kyoksil's Full Portfolio
tags: