Dakila ka

Folder: 
Filipino poems

Dakila kayo sa lahat, ina

Regalo sa mga anak dito

Mga biyayang pinapadala

Upang magbigay buhay sa mundo



Kahit pa iyan ay isang papel

Sa mundo’y inyong ginagampanan

Kayo ay tunay na mga anghel

Nagaalaga sa sinumpaan



Nagbibigay pag-asa at ilaw

Sa mga kapalarang sinapit

Na kailangan ng hustong linaw

Hindi kailanman inyong ginigipit



Mga dakila kayo na tunay

Kayo’y anghel, higit pa sa nanay

View kyoksil's Full Portfolio
tags: