Minsan

Folder: 
My songs

Minsan ako’y umasa

Na ikaw na nga talaga

Ang mamahalin sa habang buhay

Makakapiling, makakasama’y ikaw



Minsan, ako’y nangarap

Ikaw ay aking kayakap

Mga salitang kay sarap

Winika sa aking pangarap



Ngunit anong ginawa mo

Winasak ang pangarap ko

Nasaan ang ‘yong pangako

Saan napunta

Saan na napako ito



Tunay nga kayang

Di dapat umasa

Sa hinaharap ay s’ya nga bang talaga?

Asahan ang sakit na madarama

Kung ikaw ay aasa

Kung ika’y mangangarap

Kung ikaw ay aasang

Sya na nga talaga

Author's Notes/Comments: 

A poem I wrote in highschool.  This is the first poem that I've made into a song

View kyoksil's Full Portfolio