Anong bago sa bagong taon?

Folder: 
Filipino poems

Ano namang bago sa bagong taon?

Ganun pa rin tiyak

Ikaw pa rin ang hanap



Ano naman ang aasahan ko sa darating na panahon?

Laman ka pa rin ng utak

Puso pa ri’y hagilap



Aanhin ko ang paputok na sa malas ay magtatapon?

Ika’y palayo nang natulak

Ano pang malas ang hanap?



Kaya wala nang bago sa bagong taon

Lalo lang maghahatak

Sa kahapong naganap

View kyoksil's Full Portfolio
tags: