Sana

Folder: 
My songs

Sa gabi mukha mo’y aking nakikita

Sa bituin ay akin pang naaninag

Madalas ay akin pang naalala

Ang nakaraang kay saya



Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin

Kung bakit ba kinakailangan pang limutin

Wala kang sinagot nang ika’y tanungin

Bakit ba kailangan pang umiwas sakin



Kung mayroon man akong nagawa sayo

Sana naman ako ay mapatawad mo

Pangako ko’y di ka muling sasaktan

Sana naman ako’y pakinggan



Madalas sa akin ay nagtatampo

Minsa’y ‘di sumasagot pag kausap ko

Ano ba talaga ang aking nagawa sayo?

Bakit pa kailangang pahirapan mo?

View kyoksil's Full Portfolio